(+63)906-526-8298

Welcome campers!

Collab

Ngayon palang nagpapa-salamat na ang buong camp sa interest ninyong maka-trabaho ang mga demidog.

Kung wala ka ng tanong at handa ka ng pag-usapan ang posibilidad nating partneship, maari mo nang sagutan ang aming form. Ngunit kung may trust issue ka dahil na din sa mga pinagdaanan mo sa buhay, tuloy mo lang ang pagbabasa at baka mabago namin ang isip mo na hindi lahat ay manloloko.

Ang Camp Demidog ay mga doggos at woofers nila Liit at Payat ng Baliwag, Bulacan. Kami ang mga pausbong na bagong henerasyon ng social media influncer. Ang mga furparents namin ay matagal ng bloggers. Si daddy Payat ay nag-simula pa sa Tumblr samantalang si mommy Liit naman ay nag-tapos sa Ateneo De Naga at kumukuha ng masteral sa University of the Philippines sa kursong Journalism. Ang mga naging experience nila ang sandalan ng buong camp para makapag-sulat din kami ng tama na walang kinikilingang product or serbisyo.