Bawal ang Takaw Mata – Zab’s Crib

Isa ka ba sa laging nag-hahanap ng unli promo? Dito sa dinayo namin nila daddy kasama si #FireTheDogBlogger – apat na baranggay ang layo mula sa amin ay hindi pwede ang mga takaw mata dahil sagot nila ang taste buds mo sa kanilang unli promo.

Unli pasta, unli burger, unli pork, unli chicken? Sagot na yan ng Zab’s Crib sa Sabang, Baliuag, Bulacan. Madaya nga lang si daddy dahil dentastix lang ang binigay nya sa amin habang silang mga hooman ay nagpapakasawa sa dami ng foods.

20180604_134159_00018964304771003929305.png20180604_134137_00015265745974522659449.png

May dalawang choices ka sa Zab’s Crib, isang P249.00 kung saan mamimili ka ng dalawa sa apat nilang unli at isang P299.00 kung saan ALL IN at pwede mong ulit ulitin lahat ng unli nila. Narito ang mga pwede mong pagpilian.

20180604_134005_00012048293588395891001.png20180604_134026_00018502895076935822143.png20180604_134100_000177151067066519068.png20180604_134109_00013897298642927014886.png20180604_134119_00014072898598409431544.png

Pork

  • Lechon Kawali
  • Crispy Sisig

Chicken Wings

  • Garlic Buttered
  • Buffalo
  • Teriyaki
  • Garlic Parmesan
  • Golden Crispy

Pasta

  • Creamy Carbonara
  • Meaty Spaghetti
  • Chicken Nutty Pasta
  • Alige Pasta
  • Pasta Espanola

Burger

  • Roasted Chicken
  • Pulled Pork
  • Chicken Fillet
  • Fish Fillet
  • Chicken Nugget

Sabi ni daddy, hindi na din masama ang P249.00 – P299.00 at dalawang oras ang limit mo dahil yung kinain nyang pasta is kaya nyang ulit ulitin ng ilang beses kung hindi lang takaw mata ang dalawa nyang kasama, sila lola Annie at tito Demie. Ang hindi lang na-enjoy ni daddy is yung burger, malaki yun buns pero puro hangin plus yung roasted chicken ilang piraso lang sa loob. Pet friendly din ang Zab’s Crib dahil meron silang space sa labas kung saan pwede kumain ang mga furparents nyo habang nakatingin lang kayo sa kanila. May ilang rules lang sila para sa nga customer nila.

  • Bawal ang sharing, dapat lahat naka-unli kayo. Hindi pwede yung umorder ka ng solo tapos.makikikain ka sa naka-unli.
  • Bawal magtira. Hindi lang nalinaw kung mga fee kapag may left over ka.
  • Bawal mag-take out.

Panoorin nyo na lang ang video namin para sa detalye.